Maging Ilaw
Araw-araw maagang nagpapahatid sa paaralan si Stephen sa kanyang mga magulang. Pero hindi niya sinasabi sa kanyang magulang kung bakit mahalagang makarating siya ng 7:15 ng umaga sa kanilang paaralan.
Noong mga panahon ding iyon, nasangkot si Stephen sa isang aksidente na naging sanhi ng kanyang pagkasawi. Sa pangyayaring ito, nalaman ng mga magulang ni Stephen ang dahilan kung bakit…
Ang Nawalang Sobre
Nagpapagasolina ako ng sasakyan namin nang may makita akong isang marumi at makapal na sobre sa sahig. Pinulot ko at sinilip ito. Nagulat ako nang makita kong may laman itong isang daang dolyar.
Maaaring nag-aalala na sa kahahanap ang taong nakaiwan ng sobre. Malaking halaga ang nawala niya. Iniwan ko ang numero ng telepono namin sa mga empleyado sa gasolinahan sakaling…
Ang Saya!
Matagal niyang pinaghandaan ang kompetisyon na ito pero ayaw na niyang tumuloy dahil natatakot siyang baka hindi niya magawa nang tama. Gayunpaman, pinili niya pa ring simulan ang pakikipagkarera hanggang sa paisa-isa nang nakakaabot sa finish line ang mga kasama niya maliban sa kanya. Inaasahan na ng kanyang ina na sasalubungin niya ang kanyang anak na malungkot. Pero sa halip, nang…
Hulihin ang Asong-Gubat
Noong unang pinasok kami ng paniki sa aming bahay, tinaboy namin ito. Pero dahil may nakapasok na namang paniki sa pangalawang pagkakataon, nagbasa-basa ako tungkol sa mga ito. Natuklasan ko na kahit pala sa pinakamaliit na butas ay maaari silang lumusot at makapasok. Simula noon, palagi na akong nagmamasid at nag-iikot sa aming bahay upang tapalan kahit ang mga maliliit na…
Higit pa sa Dati
Napakaganda ng Notre Dame Cathedral sa Paris. Kamangha-mangha ang pagkakadisenyo rito. Pero sa paglipas ng ilang siglo, unti-unti nang nawala ang ganda nito dahil sa naluma na ito at dahil na rin sa naidulot ng sunog sa simbahang ito. Mahigit sa bilyong dolyar ang samasamang nilikom ng mga tao para sa pagpapaayos nito. Kahit malaking halaga ang gugugulin at marami ang…